Friday, July 17, 2009

faceBook


(Orihinal na Pamagat: Mukang Libro)
Isa ako sa mga nahuhumaling at na-aadik sa pag-gamit ng bagong
kinababaliwan ng mga pinoy, bata man o matanda, MukangLibro(Facebook).

Sa napakaraming pagpipilian na mga social networking site, ito na ang
mas bagong sumisikat keysa sa dati kong ginagamit na Friendster.
Simple lang ang dahilan, mas simple ito at madaling gamitin dahil sa
disenyo ng kanyang interface. Madali mong makikita at mababasa ang mga
kasalukuyang pahayag ng mga taong kunektado sayo lalo na sa mga
kapamilya mo.

Dalawang bagay lang ang aking masasabi. Una, mahirap at bawal para sa
aking trabaho dahil ako ang humaharang ng website na ito sa network ng
kumpanya. Ang solusyon, facebook sa cellphone gamit ang libreng
internet. Hehehe..
Pangalawa, mahirap pala tagalugin ng buong buo ang pahayag kong ito...grabehh!

Ito'y isinulat para ipaskel sa sapot gamit ang putol na kawad na
telepono na may modelong SE-P1i.

Salamat po!

No comments: